7 patay sa engkwentro ng Abu Sayyaf at Jul Hamidi clan sa Sulu

Patay ang pito katao kabilang na ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf group sa bakbakan na naganap sa Barangay Bud Banga sa Talipao, Sulu.

Ayon kay Joint Task Group Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng Jul Hamidi clan at grupo ng Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Al Arod.

Kabilang din aniya sa napatay si Jul Hamidi.

Ani pa Sobejana, iniwan na ng Abu Sayyaf ang mga napatay nilang kasama pero isinama pa rin ang mga nasugatan lang.

Read more...