Lalaking nag-amok sa condo sa Pasay, patay na

By Cyrille Cupino, Justinne Punsalang August 30, 2017 - 12:30 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

(UPDATE) Umabot na sa anim ang kumpirmadong nasawi sa pag-aamok ng isang lalaki sa Central Park Condominium sa Pasay City.

Kabilang na sa mga kumpirmadong napatay ang mismong suspek na kinilalang si Robert Garan, ang biktimang si Emilyn Sagun at tatlong hindi pa nakikilalang mga biktima.

Isinugod sa Pasay General Hospital ang mga biktima, kung saan idineklara rin ang isa sa kanila na dead on arrival.

Bandang 6:05 ng gabi nang mangyari ang insidente ng pag-aamok sa Central Park Condominium sa D. Jorge Street, Barangay 132, Pasay City.

Nakilala na rin ang suspek na si Alberto Garan na sinasabing tenant din ng condominium.

Sina Garan at Sagun ay parehong pawang galing Cagayan at nakitulog lang sa kapatid ni Sagun na tenant ng nasabing condo. Unang dumating si Sagum sa condo noong Biyernes, at sumunod lang si Garan nitong Linggo.

Nakita pa sa CCTV camera footage ang pananaksak ng isang lalaking kalbo na nakasuot ng shorts at sando sa isang babae na itinulak pa niya papuntang basement ng nasabing gusali.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, kabilang din sa mga sugatan ang isang bata at isa pang lalaki, habang limang iba pa ang sugatan sa insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon, selos ang posibleng motibo sa krimen at hinihinalang may relasyon sina Sagum at Garan na parehong may asawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.