Tatlo kumpirmadong patay sa pag-aamok ng isang lalaki sa Pasay

By Cyrille Cupino, Justinne Punsalang August 29, 2017 - 09:08 PM

(UPDATE) Kumpirmadong tatlo na ang patay habang lima naman ang naisugod sa Pasay General Hospital matapos mag-amok ang isang lalaki sa Central Park Condominium sa naturang lungsod.

Bandang 6:05 ng gabi nang mangyari ang insidente ng pag-aamok sa Central Park Condominium sa Deore Street, Barangay 132, Pasay City.

Kinilala ang babaeng biktima na si Emilyn Sagun habang isang bata at isa pang lalaki ang kasama sa mga napatay.

Nakilala na rin ang suspek na si Alberto Garan na sinasabing tenant din ng condominium.

Si Sagun ay galing sa Cagayan Valley at nakitulog lang sa kapatid na tenant ng condo.

Nakita pa sa CCTV camera footage ang pananaksak ng isang lalaking kalbo na nakasuot ng shorts at sando sa isang babae na itinulak pa niya papuntang basement ng nasabing gusali.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, patuloy pang inaalam kung saan tumakbo ang suspek at hanggang sa ngayon ay pinaghahanap ito.

TAGS: Amok, Pasay, Amok, Pasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.