Grab bike rider kalaboso matapps makumpiskahan ng ilegal na droga sa Pasig

By Chona Yu August 29, 2017 - 07:20 PM

Photo by: JODEE AGONCILLO/INQURER

Arestado ang isang grab bike rider matapos makumpiskahan ng ilegal na droga sa Metrowalk, Brgy. Ugong, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Edison Hernandez, 24 anyos at reisdente ng no. 1-B M. Cristobal St., Brgy. Ermitanio, San Juan City.

Photo by: JODEE AGONCILLO/INQURER

Ayon kay PSupt. Orlando Yebra Jr. ng Pasig PNP, si Hernandez ay itinurong supplier ng cocaine nang nauna nilang naaresto na si Meynard Ang.

Si Ang ay naaresto matapos makipagsuntukan kay Arthur Arong sa isang Bar sa Metrowalk, Brgy Ugong Pasig City.

Nakuha sa kaniya ang walong sachet ng cocaine at dito itinuro si Hernandez

Agad na nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ang Pasig Police sa Metrowalk at dito naaresto si Hernandez.

Sinabi ni Yebra na aabot sa 400, 000 libung pisong halaga ng cocaine ang nakumpiska sa mga suspek.

Sina Hernandez at Ang ay ipinagharap na ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drugs Law.

TAGS: Drug Enforcement Unit, drugs, grab bike, Pasig City, Drug Enforcement Unit, drugs, grab bike, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.