Mga nakaw na yaman handang isauli ng pamilya Marcos ayon kay Duterte

By Den Macaranas August 29, 2017 - 05:33 PM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa ang pamilya Marcos na ibalik sa pamahalaan ang ilan sa kanilang mga ill-gotten wealth kabilang na ang mga malalaking deposito ng salapi at mga gold bars.

Ipinaliwanag ng pangulo na isang kinatawan ng mga Marcoses ang nakipag-usap sa kanya para sa nasabing plano.

Ipinaliwanag pa ni Duterte na gusto umano ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na bawiin ang Malacañang kaya ito nagtago ng ilang mga bagay na pag-aari ng pamahalaan nang mapabagsak ang Marcos administration.

Aminado ang pangulo na bukas siya sa negosasyon para sa pagsasauli ng mga nakaw na yaman.

Isang dating chief justice at dalawa pang indibiduwal na kanyang pinagkakatiwalaan ang siyang mangunguna sa gagawing pakikipag-usap sa pamilya Marcos ayon pa sa pangulo.

Tiniyak rin ni Duterte na kung anuman ang mabawa ng kanyang administrasyon mula sa pamilya Marcos ay didiretso ito sa kaban ng yaman ng bansa.

TAGS: Ferdinand Marcos, ill gotten wealth, Rodrigo Duterte, Ferdinand Marcos, ill gotten wealth, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.