Mga batang bakwit mula Marawi City, bumista sa Malakanyang

Inquirer.net | Nestor Corrales

Nagtungo sa Malakanyang ang nasa 35 mga batang Maranao na kabilang sa maraming residenteng apektado ng bakbakan sa Marawi City.

Ang mga bata, nasa edad syete hanggang trese anyos, ay bahagi ng limang araw na “Tabak Educational Tour: Peaceful Environment for Marawi Children.”

Ito ay parte ng peace building capacity ng Armed Forces of the Philippines at lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur para sa mga batang biktima ng giyera.

Ayon kay Zia Alonto Adiong, first time ng mga batang bakwit na makaluwas ng Maynila o makalabas ng Marawi City.

Sila ay mga batang nananatili sa mga evacuation center mula nang sumiklab ang giyera sa Marawi City sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Terror Group.

Sa pakikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bata, inaasahan na magkakaloob ng ayuda ang pangulo.

Nang mag-umpisa ang Marawi crisis, apektado rin ang klase sa mga estudyante.

 

 

 

 

 

Read more...