Satisfaction rating ng Duterte admin, mataas pa rin ayon sa SWS survey
Very good pa rin ang public satisfaction rating ng administrasyong Duterte batay sa bagong Social Weather Stations survey.
Sa resulta ng survey, 75 percent ang kuntento sa national government, 13 percent ang undecided at 11 percent ang dissatisfied.
Ang SWS survey na ginawa mula June 23 hanggang 26 ay nagresulta ng net satisfaction rating na plus 64 na “good” ang classification.
Pero ito ay dalawang puntos na mas mababa sa March 2017 survey.
Pero kahit bumaba, ang gobyerno pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may pinakamataas na public satisfaction kumpara sa mga nakaraang administrasyon, mula kina dating Pangulong Fidel Ramos hanggang kay Pangulong Benigno Aquino.
Sa kabila rin ng negatibong pagtingin ng international community, lumabas din sa survey na ang madugong war on drugs ng pamahalaan ang isa sa apat na isyu na tumanggap ng very good mark.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.