P5M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

CDN Photo | Benjie Talisic

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P5 milyon na halaga ng shabu mula sa isang hinihinalang pusher sa Cebu City.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Ermita, Cebu City ng mga tauhan ng PDEA Central Visayas.

Ayon kay PDEA-7 spokesperson Leia Albiar, naaresto sa operasyon ang suspek na si Norman Cristobal, habang nakatakas ang misis nitong si Jovelyn Cristobal.

Ani Albiar, ang babae sana ang main target ng operayson dahil ilang buwan na itong isinasailalim sa surveillance ng PDEA.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mag-asawang Cristobal.

 

 

 

 

 

 

Read more...