Espenido kay Mabilog: Magbago ka para humaba ang iyong buhay

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2017 - 09:48 AM

May mensahe kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog si Chief Insp. Jovie Espenido na magiging bagong hepe ng pulisya sa lungsod.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Espenido na sana ay maging totoo at tapat ang akalde at kung may katototohanan man na sangkot ito sa operasyon ng ilegal na droga ay mabuting makipagtulungan siya sa pulisya.

Payo pa ni Espenido, tanggapin ni Mabilog ang totoo at magbago upang humaba ang kaniyang buhay.

Agad namang nilinaw ni Espenido, na ang kaniyang mensahe ay hindi pagbabanta sa buhay ng alkalde.

Paliwanag ni Espenido, kung mahuhuli at makukulong kasi ang sinomang sangkot sa illegal drugs, maituturing na rin itong pagkasayang ng kaniyang buhay.

Sinabi ni Espenido na mabuting magkatulungan sila ni Mabilog para malinis ang Iloilo City sa mga espekulasyon at impormasyong namamayagpag doon ang illegal drugs trade.


 

 

 

 

 

 

 

TAGS: jed patrick mabilog, Jovie Espenido, Radyo Inquirer, jed patrick mabilog, Jovie Espenido, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.