WATCH: Pagpatay sa isang lalaking may diprensya sa pag-iisip, nakuhanan sa CCTV

Nakuhanan ng CCTV ang pagpatay sa isang barker sa Barangay Olympia, Makati City.

Sa kuha ng CCTV, kitang-kita nang lapitan at paputukan ng gunman ang biktimang si Alfredo Alili-37 anyos.

Sakay ng motorsiklo ang gunman, kasama ang isa pang lalaki nang ito ay bumaba at saka lumapit sa biktima.

Ayon sa mga kaanak, dating gumagamit ng ilegal na droga si Alili na naging dahilan kaya nagkaproblema ito sa pag-iisip.

Matapos barilin, naglakad lang ang suspek pabalik ng motorsiklo at saka umalis sa lugar patungo sa direksyon ng Kalayaan Avenue.

 

Read more...