Hinihinalang granada, natagpuan sa tapat ng University of the East sa Maynila

By Isa Avendaño-Umali August 29, 2017 - 07:47 AM

Kuha ni Isa Umali

Isang hinihinalang hand grenade ang natagpuan sa harapan ng University of the East o UE sa Recto, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa Explosive and Ordinance Division o EOD ng Manila Police District, dakong 5:40 ng umaga nang makita ng gwardiya ang kahinahinalang pampasabog.

Agad na inireport ito ng gwardiya, kaya naman kinordonan ang lugar.

Agad na rumesponde ang mga otoridad upang matukoy ang naturang pampasabog.

At batay sa pagsisiyasat, isang suspected grenade ang nakita sa lugar.

6:45 ng umaga nang ma-clear na ang lugar, at tinanggal na rin ang kordon.

Inaalam na rin kung sino ang nasa likod nito.

Samantala, may pasok pa rin ang mga estudyante ng UE sa kabila ng nangyari.

 

 

 

 

TAGS: explosives, Hand grenade, manila, metro news, Radyo Inquirer, Recto Manila, Threat, University of the East, explosives, Hand grenade, manila, metro news, Radyo Inquirer, Recto Manila, Threat, University of the East

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.