Muling nagpakawala ng missile ang North Korea sa direksyon ng East Sea.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea, hindi pa tukoy kung anong uri ng missile ang ginamit ng NoKor sa ginawa nitong test alas 5:57 ng umaga oras sa Korea.
Pinakawalan ang missile mula sa Sunan sa Pyongyang at ayon sa JCS, dumaan sa himpapawid ng Japan ang missile.
Namonitor din ng satellite ng Japan ang pagdaan ng missile sa kanilang teritoryo.
Agad na nagpatawag ng pulong ang South Korean presidential office sa national security council matapos ang panibagong missile firing.
Noong Sabado, sinabi ng North Korea na matagumpay ang isinagawa nilang pagpapakawala ng tatlong magkakasunod na short-range missiles.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng U.S. military na pumalya ang ginawang pagpapakawala ng missile ng North Korea noong Sabado.
Noong nakaraang linggo, sinimulan na ng U.S. at South Korean forces ang tauhang military exercises na tinaguriang ‘rehearsal for war’ ng NoKor.