Pagkamatay ni Cayamora Maute maaring samantalahin ng Maute Group – AFP

By Chona Yu August 29, 2017 - 03:57 AM

Pinaghahandaan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na gamitin ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute ang pagkamatay ng kanilang amang si Cayamora Maute para magtawag ng kanilang mga kamag-anak at taga-suporta na palakasin pa ang kanilang puwersa laban sa pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesman Brig. General Restituto Padilla, maliban sa panawagang pagpapalakas ng pwersa ng Maute, malaking kabawasan din aniya ang pagkamatay ni Cayamora sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa kinalaman nito sa gulo sa Marawi City.

Sa ngayon hindi raw niya matukoy kung naibigay lahat ni Cayamora ang mga kakailanganing impormasyon ng mga otoridad

Sinabi pa ni Padilla na maari din gamitin ng Maute brothers ang pagkamatay ng kanilang ama sa sitwasyon ngayon sa Marawi na posibleng mapabilis na matapos ang gulo o mas bumagal pa

Sa kabila ng mga pangambang ito tiniyak ni Padilla na nakahanda ang AFP sa anumang susunod na hakbang ng mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.