10 teroristang Maute, patay sa bakbakan sa Lake Lanao

By Kabie Aenlle August 29, 2017 - 03:36 AM

Napatay ng pwersa ng gobyerno ang sampung miyembro ng teroristang Maute Group matapos nilang subukang pumasok sa main battle zone sa Marawi City sa pamamagitan ng Lake Lanao.

Naganap ang bakbakan na tumagal ng tatlong oras matapos maharang ng mga sundalo ang dalawang motorboats ng mga terorista, madaling araw ng Lunes.

Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay ng Joint Task Force Marawi, pagdating ng umaga, limang bangkay ng mga kalaban ang narekober ng mga sundalo, isang M16 rifle at isang motorized pump boat.

Bukod dito, limang iba pang mga terorista ang nagawang tamaan ng mga sundalo, pero hindi pa nila narerekober ang bangkay ng mga ito.

Lumubog din ang isa sa dalawang bangka.

Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang lumubog na bangka, pati na ang limang iba pang bangkay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.