Isang sasakyan ang sumambulat sa mataong palengke sa Baghdad, na ikinasawi ng hindi bababa sa 12 katao at ikinasugat ng 28 iba pa.
Sumabog ang sasakyan na punung-puno ng pampasabog sa Jamila market sa Sadr City sa Baghdad.
Kinumpirma ng isang medical official ang bilang ng mga nasawi, pero ayon naman sa isang police official, posible pa itong madagdagan.
Isang sundalo naman ang namataang inililigtas mula sa insidente.
Agad namang inako ng Islamic State group ang nasabing pag-atake sa pamamagitan ng isang pahayag sa Amaq news agency.
Sa ngayon ay nasa mga huling hakbang na ang US-backed Iraqi forces sa pagbawi sa bayan ng Tal Afar mula sa Islamic State group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.