Pag-abswelto sa mga altetang kinuhang intel agents ng Customs, idinepensa ng Kamara
Idinepensa ng Kamara ang pag-abswelto sa 28 atleta na kinuha ng Bureau of Customs (BOC) bilang mga intelligence consultant.
Ayon kay House Deputy Speaker Raneo Abu, labas sa pananagutan ang mga atleta dahil ang may kasalanan ay ang mga kumuha at nag-apruba ng kanilang pagkakatalaga.
Bukod dito ayon kay Abu, dapat ding managot ang nag-sertipika na pumapasok araw-araw at ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho gaya ng hinihingi ng Civil Service Commission (CSC).
Ito aniya ang dahilan kaya sa halip na mga atleta, si Atty. Mandy Anderson na chief of staff ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang inirekomenda nilang sampahan ng kasong multiple counts ng falsification of public documents at usurpation of authority sa DOJ.
Paliwanag ni Abu, mismong si Anderson ang umamin sa pagdinig ng Kamara na nilagdaan nito ang daily time records ng mga atleta upang palabasing pumapasok ang mga ito sa trabaho araw-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.