Mga Pinoy pilgrims sa Mecca nabiktima ng estafa

By Khyz Soberano August 28, 2017 - 04:46 PM

Inquirer file photo

Sumugod sa Manila Police District Office ang nasa humigit kumulang 50 Muslim na biktima umano ng scam.

Sa kuwento ni Yusoph Mando, peace advocate at tagapagsalita ng mga biktima, nasa mahigit dalawandaang Muslim na mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao ang pinangakuan na makakapunta ng Mecca, Saudi Arabia para makiisa sa Hajj.

Kinilala ang mga suspek na sina Salamah Sibala Diba Rusan, Alama Carreon at Usman Adil Tah na nanghingi umano ng mahigit sa P50,000 kada tao kapalit ng pagpunta sa Mecca.

Nakatakda umano silang umalis noong August 25 ngunit August 28 na at matatapos na ang paggunita ng Hajj ay hindi pa sila nakakaalis ng bansa.

Dagdag ni Mando, nagsimula na silang umalma nang walang natatanggap na passport at visa ang mga biktima gayung malapit na ang petsa ng kanilang pag-alis at matatapos na rin ang paggunita Hajj.

Nalaman nilang nasa Sunny Bay Suits Hotel sa Roxas Blvd ang suspek na agad nilang pinuntahan kaninang alas-singko ng umaga.

Sa pakikipagtulungan ng mga pulis ng Ermita ay dinala ang tatlong suspek sa MPD Headquarters kung saan sila sasampahan ng kasong large scale estafa.

Ayon kay Chief Inspector Joselito de Ocampo, hepe ng MPD General Assignment and Investigation Unit, una ng inireklamo ang grupo ni Dibarosan sa parehas na insidente sa Basilan kung saan apatnapung katao ang kanilang biktima.

TAGS: manila, mecca, muslim, Pinoy, saudi arabia, manila, mecca, muslim, Pinoy, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.