Grab at Uber gagayahin na rin ng mga taxi operators

By Alvin Barcelona August 28, 2017 - 04:37 PM

Inquirer photo

Gagaya na ang taxi industry sa mga app based Transport Network Company (TNC) tulad ng Uber, Grab at U-Hop.

Ayon kay LTFRB Chief Martin Delgra, tina-trabaho na ng mga operators ng taxi na lumikha ng isang mobile application na puwedeng gamitin ng sinumang taxi driver sa buong bansa.

Sinabi ni Delgra na nakipag-dayalogo na sila sa mga taxi operators at nagkaisa na ito na magkaroon ng mobile app katulong ang isa pang kompanya na ilalabas sa darating na Oktubre.

Pinayuhan ni Delgra ang mga taxi operators na gayahin ang app ng Uber, Grab at U-Hop kung saan pwedeng magpa-book ang mga pasahero at klaro ang pamasahe at destinasyon.

Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan na ang tawaran at awayan sa pagitan ng mga taxi driver at mga pasahero nito.

Una nang sinabi ng LTFRB na ang pangongontrata at mga isnaberong mga taxi driver ang nangungunang reklamo ng mga pasahero.

TAGS: Grab, Taxi, tnvc, Uber, Grab, Taxi, tnvc, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.