VIRAL: Burger na halagang P8, pinagkaguluhan sa mga mall

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2017 - 01:21 PM

CREDIT to Pauline Cabal Estrada

Viral ngayon sa Facebook ang mga video at larawan ng mga taong nagkakagulo sa mga mall dahil sa P8 na halaga ng burger.

Ayon sa Facebook page ng Zark’s ito’y kasabay ng kanilang ikawalong anibersaryo.

Ang naturang promo ay para lamang sa unang 80 customers na nagsimula kaninang alas-diyes ng umaga sa lahat ng kanilang branches.

Dahil dito, bago pa man magbukas ang mga mall, sandamakmak na tao na ang nakaabang sa entrance para mag-unahang pumasok.

Sa post ng netizen na si Pauline Cabal Estrada, makikitang punung-puno ang SM City sa San Mateo, Rizal at ang mga tao ay nag-uunahang makapasok sa Zark’s para makabili ng hamburger.

Sa mga larawan ni Estrada, makikita na pati ang escalator ay punung-puno ng mga tao.

Sa post naman ng isang Cyndi Jaco, nakasaad na mayroong nasirang wall sa Zark’s Burger sa SM Sta. Mesa Manila.

Sa video ni Jaco, nagsiksikan din ang mga tao at nag-unahan na makapasok sa branch nang buksan na ito sa publiko.

Nasa P100 to P200 ang normal na presyo ng burger sa Zark’s.

 

TAGS: Radyo Inquirer, San Mateo, sta mesa, Zurk's burger, Radyo Inquirer, San Mateo, sta mesa, Zurk's burger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.