C/Insp. Espenido, 129 government troops na namatay sa Marawi, pinarangalan ni Pangulong Duterte

By Isa Avendaño-Umali August 28, 2017 - 09:30 AM

Inquirer Photo | Nestor Corrales

Binigyang parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 129 na tropa ng pamahalaan na nasawi sa bakbakan sa Marawi City sa selebrasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.

Maliban sa mga nasawing sundalo, binigyan din ng parangal si Chief Insp. Jovie Espenido.

Ang Kalasag Medal ang ipinagkaloob sa mga nasawing government tropps sa Marawi City sa ilalim ng Order of Lapu-Lapu.

Ibinibigay ang nasabing medalya sa mga opisyal at tauhan ng pamahalaan at pribadong indibidwal na nasawi dahil sa direktang partisipasyon sa kampanya o adbokasiya ng pangulo ng bansa.

Habang “Magalong Medal” naman ang ipinagkaloob kay Espenido na nanguna sa paglaban sa ilegal na droga sa Albuera, Leyte at Ozamiz City.

Ang Magalong Medal ay ibinibigay naman sa opisyal o tauhan ng gobyerno o pribadong indibidwal na nakapagpakita ng extraordinary service o nagbigay ng exceptional contributions para sa tagumpay na kampanya at adbokasiya ng pangulo.

Ang pamilya ng mga nasawing sundalo ang tumanggap ng medalya na ibinigay ng pangulo.

Sa Heroes Day message ni Pangulong Duterte, hinimok nito ang lahat na ipagbunyi ang mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa ating mga batas, pagtatanggol sa ating bansa at pagtulong sa kapwa.

Ayon sa presidente, sa naturang okasyon ay binibigyang pugay ng lahat ang mga bayani na bayan na tumulong sa pagtatatag ng mga pundasyon ng ating bansa.


Sa Heroes Day message ni Pangulong Duterte, hinimok nito ang lahat na ipagbunyi ang mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa ating mga batas, pagtatanggol sa ating bansa at pagtulong sa kapwa.

Ayon sa presidente, sa naturang okasyon ay binibigyang pugay ng lahat ang mga bayani na bayan na tumulong sa pagtatatag ng mga pundasyon ng ating bansa.

 

 

 

 

TAGS: Jovie Espenido, Kalasag Medal, Magalong Medal, national heroes day, order of lapu lapu, Jovie Espenido, Kalasag Medal, Magalong Medal, national heroes day, order of lapu lapu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.