Biyahe ng MRT, nagka-aberya

Maagang nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa abiso ng MRT sa kaniyang twitter, itinaas ang cetagory 2 sa status ng tren.

Ito ay makaraang makaranas ng technical problem ang isa nilang tren dahilan para pababain ang mga pasahero sa Magallanes Station Southbound.

Naganap ang aberya alas 6:22 ng umaga.

Pinasakay naman sa kasunod na trena ng mga apektadong pasahero.

Bagaman rush hour, hindi naman ito gaanong nagdulot ng perwisyo dahil kakaunti lamang ang pasahero ngayong araw, dahil holiday.

 

 

 

 

 

Read more...