Ilang mga kalsada sa mga lugar na dinaanan ng bagyong “Jolina,” sarado pa rin

By Kabie Aenlle August 28, 2017 - 03:50 AM

Mananatiling hindi bukas sa mga motorista ang tatlong pangunahing kalsada sa Ifugao at Kalinga dahil sa epekto ng bagyong Jolina sa mga nasabing lalawigan.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), isasara muna ang mga Banaue, Mayoyao, Alfonso Lista, Isabela Boundary Road sa Ifugao; Uboa, Taang Road sa Aguinaldo, Ifugao; at Tabuk, Banaue Road Dumanay Section sa Tanudan Kalinga.

Dahil naman sa pag-apaw ng tubig bunsod ng malalakas na ulan na naranasan, hindi rin madaanan ang tulay ng Manglad sa Maddela, Quirino province.

Hindi rin magamit ng mga motorista ngayon ang Annafunan at Gucab Bridge sa Echague, Isabela dahil rin sa mga naranasang pagbabaha sa lugar.

Samantala, bagaman pinapayagan na ang pagdaan sa Kennon Road sa Baguio City, pinapayuhan pa rin ng mga otoridad na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa paggamit sa naturang kalsada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.