De Lima, handang manatili sa kulungan, kapalit ng isang kundisyon
Emosyonal na ipinagdiwang ni Sen. Leila De Lima ang kanyang 58th birthday sa kanyang detention cell sa Camp Crame.
Dinaluhan ito ng mahigit 80, kasama ang kanyang pamilya at kamag-anak, malalapit na kaibigan at ilang kapwa senador.
Puno nang pasasalamat ang senadora sa Diyos sa pagbibigay ng buhay sa kanya kahit na anya nananatili siyang nakakulong na aabot na sa mahigit 180 araw.
Ngunit ayon kay Fr. Robert Reyes, isang activist priest, mayroon daw isang hiling si De Lima sa kanyang birthday.
Ito ay kung mabibigyan umano ng pagkakataong makausap ang pangulo, handa raw na i-bargain ng senadora ang sariling kalayaan kapalit ng paghinto ng kaliwa’t kanang patayan.
Si De Lima ay nakilala noon sa pagiging chairperson ng Commission on Human Rights at naging kritikal sa mga polisiyang ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon
Samantala, isang thanksgiving mass ang idinaos sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame na pinangunahan ni Pangasinan Archbishop Socrates Villegas at tatlo pang pari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.