Ayon sa kalihim, nasa desisyon na ng militar kung kailan nila isasagawa ang huling pag-atake laban sa mga terorista.
Umaasa ang militar na mababawi na ang lungsod sa lalong madaling panahon lalo na at mag-iisandaang araw na simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Marawi.
Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 600 ang teroristang napatay na sa mga operasyon ng AFP, habang 130 naman ang napatay na mula sa hanay ng pamahalaan.
Patunay umano na malapit nang mabawi ng militar ang Marawi sa kamay ng mga terorista ang pagkakabawi nito sa police headquarters ng lungsod at grand mosque noong nakaraang linggo.