Final assault vs. Maute, pinaghahandaan na ng militar

By Rhommel Balasbas August 28, 2017 - 03:44 AM

Wala mang sinabing target date kung kailan ito isasagawa, sinabi ni Defense Secretary Lorenzana na kasalukuyan nang naghahanda ang militar para sa “final assault” nito laban sa Maute.

Ayon sa kalihim, nasa desisyon na ng militar kung kailan nila isasagawa ang huling pag-atake laban sa mga terorista.

Umaasa ang militar na mababawi na ang lungsod sa lalong madaling panahon lalo na at mag-iisandaang araw na simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Marawi.

Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 600 ang teroristang napatay na sa mga operasyon ng AFP, habang 130 naman ang napatay na mula sa hanay ng pamahalaan.

Patunay umano na malapit nang mabawi ng militar ang Marawi sa kamay ng mga terorista ang pagkakabawi nito sa police headquarters ng lungsod at grand mosque noong nakaraang linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.