Cayamora Maute, patay na ayon sa BJMP

Binawian na ng buhay si Cayamora Maute, ang ama ng magkapatid na terorista na pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penologoy.

Ayon kay BJMP spokesperson Insp. Xavier Solda, binawian ng buhay si Cayamora habang isinusugod sa Taguig-Pateros Hospital bandang alas tres ng hapon.

Sa ngayon ay hindi pa idinetalye ng sanhi ng pagkamatay ni Cayamora.

Naaresto si Cayamora noong nakaraang June 6 sa isang checkpoint sa Toril, Davao City.

Mula sa Davao City, inilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang nakatatandang Maute.

Si Cayamora ang ama ng magkapatid na sina Omar at Abdullah Maute, na nangunguna sa pag-ookupa sa malaking bahagi ng Marawi City.

Read more...