Publiko, hinikayat na patuloy na suportahan ang mga manlalarong Pinoy sa SEA Games

By Angellic Jordan August 27, 2017 - 01:50 PM

Puso para sa bayan!”

Ito ang naging pahayag ni presidential spokesman Ernesto Abella sa nagpapatuloy na pakikipagtagisan ng mga manlalarong Pinoy sa 29th Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hinihikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na patuloy na suportahan ang mga Pinoy para sa bansa.

Maliban dito, binati rin ng opisyal ang mga manlalarong Pinoy na nakuha ng medalya at nakapagdala ng karangalan para sa bayan.

Sa ngayon, nasa ika-anim na pwesto sa SEA Games standing ang Pilipinas na may 18 gold, 25 silver at 47 bronze medals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.