Inihayag ito ni Duterte sa kanyang mensahe para sa Araw ng mga Bayani.
Ayon sa presidente, sa naturang okasyon ay binibigyang pugay ng lahat ang mga bayani na bayan na tumulong sa pagtatatag ng mga pundasyon ng ating bansa.
Aniya, ang kanilang lakas ng loob, pamumuno at karunungan ay nagbigay-daan upang matamasa ang biyaya ng kasarinlan at demokrasya.
Inilaan din ng mga bayani ang kanilang buhay upang matiyak na ang mga susunod na salinlahi ay magkakaroon ng maginhawang pamumuhay.
Sinabi ni Duterte na ang lahat ay nagpapasalamat sa kadakilaan at mga sakripisyo ng mga bayani, na marapat lamang alalahanin.
Gawin din aniya ito hababang patuloy na nilalabanan ang kaguluhan, kriminalidad at kahirapan na hadlang tungo sa katuparan ng mga hangarin ng bansa.