Floyd Mayweather, wagi kontra Conor McGregor

PHOTO: Christian Petersen/Getty Images/AFP

Napanatili ni Floyd Mayweather Jr. ang kanyang undefeated record matapos talunin ang UFC champion na si Conor McGregor sa kanilang paghaharap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Wagi si Mayweather sa pamamagitan ng technical knockout makaraang mapatumba si McGregor sa ika-sampung round ng laban.

Dahil dito, hawak na ni Mayweather ang 50-0 na record sa boxing.

Ilang minuto pa lamang matapos ang ang pagsisimula ng 10th round ay agad napabagsak ni Mayweather ang pagod nang si McGregor.

Una nang naghamunan ang dalawa sa boxing ring pero mas naging pabor ito kay Mayweather matapos mapagdesisyunan na boxing rules ang susundin sa naturang laban.

Read more...