Mga aktibista, nagmartsa nang walang suot na damit na pang itaas sa New York

AFP PHOTO

Pumarada sa ilang kalsada sa New York ang mga aktibista na walang suot na pang itaas na damit para ipagdiwang ang 10th annual GoTopless Day Parade.

Mula Columbus Circle, nagmartsa patungong Bryant Park ang mga babae at lalaking naka-topless bitbit ang ilang placards na may nakasulat na “Equal Topless Rights For All”at Meditate 4 Peace Topless.”.

Ayon sa kay Rebecca Barwick, kabilang sa mga nagmartsa, hindi dapat maging big deal ang paglalakad ng mga babae na naka-topless, tulad ng mga lalaking naglalakad sa mga kalsada na walang suot na pang-itaas na damit.

Nabatid na inorganisa ng US based rights group na GoTopless ang naturang event.

Legal na sa New York ang ipakita ng mga babae sa publiko ang kanilang dibdib habang naglalakad sa kalsada.

Samantala, nakatakda din magsagawa ng kaparehong aktibidad sa iba pang lungsod sa US.

Read more...