Pagbawi ng Grand Mosque mula sa Maute, ikinokonsiderang tagumpay ng AFP

By Angellic Jordan August 27, 2017 - 10:58 AM

Ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippine bilang isang “significant victory” ang pagkakabawi ng Grand Mosque mula sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Isinagawa ang operasyon sa naturang lugar ilang oras bago ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes, August 24, 2017.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen Restituto Padilla, ang panunumbalik ng kontrol sa sentro ng naturang lungsod ay magbibigay ng lakas sa hukbo.

Maliban dito, makakapagbigay din aniya ito ng morale at pag-asa sa mga bakwit na makabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Samantala, ani Padilla, 3 sundalo ang sugatan sa pinakahuling pag-atake ng gobyerno sa nagpapatuloy na operasyon sa lalawigan.

Isa aniyang “envelopmental approach” ang ginawang paglaban ng militar para hindi masira ang konstruksyon ng mosque kasunod ng utos ni Punong Ehekutibo.

Sa tala ng AFP, nasa mahigit 40 militante pa ang nananatili habang 30 naman ang hawak na hostage sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.