Hong Kong at Macau, naghahanda na sa pananalasa ng panibagong bagyo

FILE PHOTO

Hindi pa man nakakabangon sa pananalasa ng typhoon Hato na ikinasawi ng labing walo katao, isa na naman malakas na bagyo ang tumama sa Hong Kong at Macau.

Parehong itinaas ng dalawang lungsod ang Typhoon 8 signal, ang ikatlong pinakamataas na warning level, ngayong umaga ng Linggo matapos mag-landfall ang tropical storm “Pakhar” sa rehiyon.

Dahil dito, nagkansela na ang Cathay Pacific at Cathay Dragon ng aabot sa limampung flights ngayong araw, at inaasahang madadagdagan pa ito sa susunod na mga oras.

Maging ang lahat ng ferry services sa Hong Kong ay sinuspinde na rin dahil sa bagyo.

Nabatid na taglay ng bagyong Pakhar ang hangin na aabot sa 130 kilometers per hour.

Ayon sa Hong Kong Observatory, magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyong Pakhar habang gumagalaw sa direksyon na patungo sa Pearl River Estuary.

Read more...