Walo, kumpirmadong patay sa Hurricane Harvey

 

AFP Photo

Walo na ang kumpirmadong patay sa paghagupit ng hurricane Harvey sa Texas, USA.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Charles Bujan ng Port Aransas ng Texas.

Ayon sa Mayor, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa kanilang local police na nakaranas ng 100 percent loss ang Pioneer trailer park sa kanyang bayan.

Hindi pa naman malinaw kung ang walong patay ay galing lamang sa naturang trailer park, o sa iba pang bahagi ng lungsod.

Wala umanong signal ang telepono at cellphones sa lugar kaya nahihirapan silang makakuha ng malinaw na impormasyon.

Nagpapatuloy rin umano ang search and rescue operations sa lugar, pero hirap ang mga rescuers dahil nahaharangan ng mga malalaking debris ang daan at patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan at hangin.

Una nang pinayuhan ng local government ang may limang libong residente na mag-evacuate muna dahil sa bagyong Harvey.

Read more...