Pulis tinambangan sa Muntinlupa City, patay!

By Cyrille Cupino August 27, 2017 - 04:47 AM

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang SUV sa southbound lane ng National Road, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Police Chief Insp. Ernesto Eco, 49 anyos, residente ng Brgy. Putatan, Muntinlupa.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kalalabas lamang umano sa subdivision ng biktima sakay ng minamanehong puting SUV na may plakang AOA 3674.

Nakababa umano ang bintana sa driver’s side ng sasakyan at doon na ito pinagbabaril ng mga naka-motor na suspect.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Base sa record ng NCRPO, si Eco ay naka-reassign sa Maguindanao, pero inaalam pa kung may pending itong kaso.

Narecover sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

TAGS: Muntinlupa City, Pananambang, Muntinlupa City, Pananambang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.