Planong pag-atake ng pro-Islamic State sa Santo Papa, ikinababahala

By Rhommel Balasbas August 27, 2017 - 04:09 AM

(AP Photo/Alessandra Tarantino)

Ipinahayag ng isa sa mga pinakamataas na opisyal ng Simbahang Katolika na nakababahala ang isang pro-Islamic State group video na nagsasabing ang susunod na target ng grupo ay ang Santo Papa.

Ito ang ipinahayag ni Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, ang no. 2 official ng Santo Papa sa isang pulong balitaan.

Iginiit naman ni Cardinal Parolin na naka heightened alert ang seguridad sa Vatican City.

Kamakailan lang, isa pang video rin ang nai-transmmit sa isang pro-IS Telegram channel na nagsasabing ang susunod na target ng mga extremist ay ang Italy.

Ang Vatican na himpilan ng Simbahang Katolika at ang Italy ay matagal nang ipinahihiwatig na posibleng target ng terorismo.

TAGS: Cardinal Pietro Parolin, Islamic State, italy, pope francis, Simbahang Katolika, Vatican, Cardinal Pietro Parolin, Islamic State, italy, pope francis, Simbahang Katolika, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.