Panukalang 4-day work week, aprubado na sa KAMARA

By Rhommel Balasbas August 27, 2017 - 03:22 AM

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang panukalang nais ibaba sa apat na araw ang working days kada linggo.

Nais ng House Bill 6152 na maitaguyod ang business competitiveness, work efficiency at labor productivity sa pamamagitan ng pagbabawas sa araw ng paggawa.

Pinapayagan ng panukalang batas ang mga empleyado na magtrabaho ng apat na araw kada linggo kapalit ang pagtatrabaho ng 12 oras kada araw.

Sa ilalim ng labor code, kinakailangan na makapagtrabaho ang isang empleyado ng hindi bababa sa 40 oras at hindi tataas sa 48 oras.

Nakasaad din sa panukalang batas na ang mga manggagawa sa ilalim ng compressed work week ay makakatanggap ng overtime pay sakaling lumagpas sila ng 48 oras kada linggo.

Mananatiling opsyon naman sa mga employers kung ipapatupad sa kanilang mga negosyo ang compressed work week.

TAGS: 4 day work week, Congress, House Bill 6152, 4 day work week, Congress, House Bill 6152

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.