Ayon sa datos mula sa Regional Institute for Tropical Medicine, lumalabas na 32 na ang kumpirmadong kaso ng Japanese encephalitis sa lalawigan.
Aabot na sa 259 ang bilang ng hinihinalang mga kaso ang naitala sa lalawigan mula Hulyo.
Ayon pa sa RITM, apat na ang naitatalang patay sa lalawigan dahil sa naturang sakit, kabilang ang isang limang taong gulang na batang babae.
Nagkakaroon na rin umano ng kakulangan sa supply ng mga bakuna para sa nasabing sakit dala ng lumulobong bilang ng mga kaso.
Ang Japanese encephalitis ay isang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na karaniwan sa mga agricultural areas.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang mataas na lagnat, pananakit ng leeg, at pagbabago sa behavior ng biktima.