Bilang ng ng kaso ng Japanese encephalitis sa Pampanga, lalo pang tumaas

By Cyrille Cupino August 27, 2017 - 01:01 AM

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng sakit na Japanese encephalitis sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa datos mula sa Regional Institute for Tropical Medicine, lumalabas na 32 na ang kumpirmadong kaso ng Japanese encephalitis sa lalawigan.

Aabot na sa 259 ang bilang ng hinihinalang mga kaso ang naitala sa lalawigan mula Hulyo.

Ayon pa sa RITM, apat na ang naitatalang patay sa lalawigan dahil sa naturang sakit, kabilang ang isang limang taong gulang na batang babae.

Nagkakaroon na rin umano ng kakulangan sa supply ng mga bakuna para sa nasabing sakit dala ng lumulobong bilang ng mga kaso.

Ang Japanese encephalitis ay isang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na karaniwan sa mga agricultural areas.

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang mataas na lagnat, pananakit ng leeg, at pagbabago sa behavior ng biktima.

TAGS: doh, Japanese Encephalitis, Pampanga, doh, Japanese Encephalitis, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.