Most wanted person sa Castilla, Sorsogon, patay sa buy-bust operation

By Cyrille Cupino August 27, 2017 - 12:19 AM

Napatay ang most wanted drug personality ng bayan ng Castilla sa Sorsogon sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Baccay, Albay.

Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Provincial Police Office, kinilala ang napatay na suspect na si Erlan Mirabel, residente ng Barangay Dinapa sa bayan ng Castilla.

Ayon kay Gomez, nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa suspect, pero nakatunog ito na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Dahil dito, pinaputukan ng suspect ang mga pulis at napilitang gumanti ang mga ito.

Dinala pa sa Ziga Memorial District Hospital ang suspect pero binawian rin ng buhay matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

TAGS: Most wanted, Sorsogon, Most wanted, Sorsogon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.