Maganda ang panahon ngayong weekend ayon sa PAGASA

PAGASA 5amMagpapatuloy ang nararanasang magandang panahon sa bansa sa susunod na tatlong araw ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA forecaster Jun Galang, ang Low Pressure Area na nasa labas pa ng bansa ay masyado pang malayo at nasa 2,500 kilometers East ng Visayas.

Ang nasabing LPA aniya ay maaring pumasok sa bansa sa Martes pa o sa Miyerkules.

Sa susunod na tatlong araw, sinabi ni Galang na maliit ang tsansa na lalakas at magiging isang bagyo ang LPA.

Ang direksyon ng nasabing LPA ay patungo ng Southern Japan.

Dahil sa magandang panahon sa malaking bahagi ng bansa, wala ring itinaas na gale warning ang PAGASA.

Tanging thunderstorms lamang na maaring makapagdulot ng pag-ulan sa hapon o gabi ang iiral sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, gayundin sa Visayas at Mindanao.

Read more...