Singil sa kuryente posibleng bumaba ngayong buwan
Posibleng magpatupad ng pagbaba sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito ay dahil sa naging stable na ang supply ng kuryente noong buwan ng Agosto.
Karamihan aniya sa mga power plants ay nakapagtala ng mataas na suplay ng kuryente noong nagdaang buwan at maari itong magresulta ng pagbaba sa power rate. “So far we haven’t seen any factor for rates to go up, In case power rates will not go down, at least [they] will be stable for the month of September,” ani Zaldariaga.
Sa ngayon hinihintay na lamang ng Meralco ang report mula sa kanilang mga power suppliers. Ito ay para makapagsagawa ng computation upang malaman kung mananatili ang halaga ng bayarin sa kuryente o mababawasan.
Noong nakaraang buwan, nagpatupad ang MEralco ng 26 centavos kada kilowatt hour na kaltas sa power rates.
Sa nakalipas na apat na buwan, umabot na sa P1.56 kada kWh ang naikaltas ng Meralco sa halaga ng singil sa kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.