Hinimok ng Malacañang ang publiko na magtiwala sa justice system sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng paghain ng kaso laban sa apat na pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Ipinahayag ni China Jocson, assistant to the presidential spokesperson, pinaalalahanan ng pangulo ang law enforcers na huwag palagpasin ang kanilang mga mali at iligal na gawain.
Aniya, ang paghahain din ng kasong kriminal ay nagpapakita ng tugon ng gobyerno rito.
Ngayong linggo, inihain ng Public Attorney’s Office (PAO) ang kasong murder laban kina Police Officer 3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda.
Kabilang din sa sinampahan ng kaso ang komander ng tatlo na si Chief Inspector Amor Cerillo kaugnay sa pagkapatay sa 17-taong gulang na si Kian sa anti-drug operation. / Rohanisa Abbas
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.