3 hinihinalang NPA, patay sa engkwentro sa San Nicolas, Pangasinan

Tatlong pinaniniwalaang myembro ng New People’s Army ang napatay sa engkwentro sa San Nicolas,
Pangasinan.

Ayon kay Pagasinan provincial director Senior Supt. Ronald Lee, tumagal nang 20 minuto ang bakbakang
naganap dakong 5:20 ng hapon ng Biyernes.

Hindi pa nakikilala ang suspek.

Narekober ang mga armas, ammunitions, improvised explosive device, at mapa ng San Nicolas.

Ayon sa pulisya, bago pa man ang bakbakan ng mga hinihinalang rebelde at ng militar, nakatanggap sila ng mga ulat na ilang myembro umano ng NPA ang nangingikil sa mga negosyante sa lugar.

Iniimbestigahan naman ng mga otoridad kung nakapagtayo na ng headquarters ang NPA sa San Nicolas.

Patuloy naman ang clearing operations gn militar sa lugar.

Read more...