3 short-range missile, inilunsad ng North Korea
By Rohanisa Abbas August 26, 2017 - 04:14 PM
Nagpakawala ng tatlong short-range ballistic missile ang North Korea ngayong araw, ayon sa United States.
Ito ay sa gitna ng annual military exercise ng South Korea at US.
Ipinahayag ng US Pacific Command na inilunsad ito malapit sa Kittaeryong. Wala naman itong dalang anumang banta sa North America o sa Guam.
Ayon sa tagapagsalita ng US Pacific Command na si Commander Dave Benham, bigo ang pagpapakawala ng una at ikalawang missile.
Aniya, ang ikalawang missile ay halos sumabog agad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.