17-taong gulang na napatay sa Oplan Galugad, nailibing na

By Len Montaño August 26, 2017 - 03:23 PM

Naihatid na sa kanyang huling hantungan si Kian Loyd Delos Santos, ang 17-taong gulang na napatay ng pulis-Caloocan sa anti-drugs operation noong August 16.

Mula sa bahay ng Pamilya Delos Santos, umabot nang mahigit tatlong oras ang martsa hanggang tuluyang nailibing ang binatilyo sa La Loma Cemetery. Limang lanes ng EDSA-Balintawak ang inokupa ng nakiramay sa pagkamatay ng binatilyo.

Naging pabago-bago ang panahon sa motorcade pero hindi ito inalintana ng mga nakilibing.

Pansamantalang tumigil ang funeral march sa harap ng Caloocan City Police Community Precinct 7, ang istasyon kung saan nakatalaga ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng 17-taong gulang.

Bago ito, isinagawa rin ang huling misa para kay Kian sa Sta. Quiterua Church.

Ayon sa padre de pamilya na si Zalde Delos Santos, sana ay hindi danasin ng pamilya ng mga pulis na aniya’y pumatay sa kanyang anak ang parehong kapalaran dahil masyado anyang masakit ang mawalan ng anak.

Matatandaang umani ng batikos ang pagkamatay ni Kian mula sa mga kaalyado at kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa gyera nito kontra droga.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.