Pagkamatay ni Kian, dapat magmitsa sa mas matinding pagkundena sa war on drugs

Kuha ni Mark Makalalad

Umaasa si Father Robert Reyes na magsisilbing “wake-up call” sa pamahalaan ang sinapit ni Kian Loyd Delos Santos, ang binatilyo na napaslang ng pulis-Caloocan sa Oplan Galugad na ikinasa noong Agosto 16.

Sa kasagsagan ng motorcade ng libing ni Kian papuntang La Loma Cemetery, sinabi ng pari na sana ay magising na ang pamahalaan na mali ang madugong kampanya nito laban sa iligal na droga.

Aniya, isa lang si Kian sa mga biktima ng summary killings at naniniwala siya na marami pa ang katulad ng binatilyo pero hindi lamang nagsasampa ng kaso.

Paliwanag ni Reyes, kitang-kita naman mula sa suporta ng mga tao na inosenteng tao talaga si Kian.

Inihalintulad nya rin ang libing nito kay dating senador Ninoy Aquino na nagpasiklab ng People power.

Dagdag pa niya, nawa’y maging mitsa sa mas malawak pa na protesta ang pagkamatay ni Kian nang sa gayon ay mabago na ang kultura ng impunity sa bansa.

Read more...