Bagyong Jolina, bumilis at muling lumakas habang palayo ng bansa

Muling lumakas at bumilis pa ang Bagyong Jolina habang patuloy ito sa pagtahak ng west northwest direction ng bansa.

Sa Severe Weather Bulletin Number 13 ng Pagasa bago magtanghali, huling namataan ang Bagyong Jolina 120 kilometers west ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 80 kilometers per hour at bugsong 95 kilometers per hours sa bilis na 24 kilometers per hour.

Hanggang sa Lunes ng umaga, ang Bagyong Jolina tinatayang nasa west northwest ng Laoag City, Ilocos Norte at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.

Ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra ay nasa ilalim pa rin ng signal number 1.

Read more...