Sangguniang Kabataan, makatutulong sa drug problem ng bansa

By Rhommel Balasbas August 26, 2017 - 10:55 AM

Naniniwala si Sen. Bam Aquino na maaring makatulong ang Sangguniang Kabataan (SK) sa paglaban ng pamahalaan sa iligal na droga sakaling matuloy ang SK elections ngayong taon.

Sa isang press statement, nanawagan si Bam Aquino ng pabibigay oportunidad sa mga kabataan na maresolba ang problema sa droga at ilan pang mahahalagang isyu sa bansa.

 

 

Nauna na ngang iminungkahi ng senador sa mga kapwa senador na sakaling hindi matuloy ang Barangay at SK elections, ay tumingin ang mga ito sa posibilidad na magsagawa ng hiwalay na SK elections sa Oktubre.

Ani Aquino, pitong taon na simula ng mairaos ang huling halalan sa Sangguniang Kabataan.

Naniniwala rin siyang ‘long overdue’ na ang pagpapatupad sa Republic Act 10741 o SK Reform Act. Kabilang anya sa mga reporma na ipapatupad sa ilalim ng nasabing batas ay ang anti-political dynasty.

TAGS: Barangay at SK Elections, Senator Bam Aquino, Barangay at SK Elections, Senator Bam Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.