Mga labi ni Kian Delos Sntos, ililibing na ngayong umaga

By Mark Makalalad August 26, 2017 - 09:30 AM

Mga labi ni Kian Delos Santos sa Sta. Quiteria Church

 

Tila ang kalangitan ay nakipagdalamhati rin paghahatid sa huling hantungan kay Kian delos Santos ngayong araw.

Pasado alas-8:00 ng umaga nang nagsimulang tumulak ang pamilya delos Santos kasama ang daan-daang nakikiramay papunta ng Caloocan City Police Station.

Bagaman umuulan, hindi alintana ng mga tao ang mabasa at maputikan dahil mas matibay daw ang kanilang determinsayon na ipinawagan ang hustisya sa pagkamatay ng binatilyo.

Makaraan ang sama-samang panalangin, hinatid sa Sta. Quiteria church ang labi ni Kian para sa huling misa na pinangunahan naman ni Bishop Pablo David.

Naging emosyonal naman ang pamilya ni Kian na sinamahan ng mga tauhan ng Public Attorney’s Office.

Kasalukuyan nang umuusad ang motorcade ng mga labi ni Kian papuntang La Loma Cemetery na sinalubong ng “Justice for Kian” na sigawan ng mga tao.

TAGS: kian delos santos, Sta. Quiteria church, kian delos santos, Sta. Quiteria church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.