Dahil dito, tiniyak ng Swiss Guard na handa na ang security forces ng Vatican sakali man na mangyari ito. Mas pinaigting na ang seguridad ngayon lalo na sa buong Italy kabilang na ang Vatican, matapos ang pag-atake ng Islamist militant sa Nice, France na ikinasawi ng 86 katao.
Sa kabila ng ilang mga banta ng Islamic State group, wala pang nagsasagawa ng pag-atake na katulad ng Barcelona kung saan rumagasa ang isang van sa mga tao na ikinasawi ng 13 biktima. Ayon kay Christoph Graf na commandant ng Swiss Guard, magiging mahirap nang gawin ang ganitong pag-atake dahil sa mas pinaigting nilang seguridad.
Bukod kasi sa mga barikada, pinaliligiran na rin ng mga police at military vehicles ang St. Peter’s Basilica na posibleng maging target ng pag-atake dahil sa dami ng mga taong dumadagsa dito. Sa ganitong paraan, mahihirapan anila ang attackers na magpatakbo ng mabilis at mang-araro ng mga tao.